Proud that I am one of her boyfriends ♥
si kaye lang tinitigan ko the whole time. yay! so proud of you kaye.
Gusto ko sanang ako yung magpost nito rito para mapakita sainyo yung kinabubusy-han ko kaya hindi ako nakakapagonline dito sa Tumblr. Naunahan ako ng bff kong proud sakin.
Guys, watch niyo oh! Ito bunga ng hindi ko pag-online dito. Skip niyo na lang yung first part na traditional. Chos, joke lang. Sayang nga lang hindi nakuhanan yung pinakauna kasi nakasarado pa yung curtains. Pero okay naman, bawing bawi. Basta, watch niyo na! :D
guys pasensya na kayo kung medyo inactive si kaye ha
busy kasi siya kasi paparating na ang exams nila tas busy pa siya lumandi ge bye hahaha
-kino
I tried this once but she just got angrier. She asked me why I did such vulgarity in front of our class.
Lesson: This shit does not apply to teachers.
(late post)
Isang taon na pala ako nananatili sa mundong Tumblr. Ngunit ngayon, sa sobrang kabusyhan ko ay hindi ko na siya nagagalaw. Hindi na rin magtatagal at magbabalik na rin ako.
Anyways, isheshare ko muna sa inyo ang naging experience ko rito sa Tumblr sa loob ng isang taon. Nung una, isang ordinaryong blogger lang ako na puro personal ang pinopost – kinukwento ang pangyayari sa bawat araw; diary kumbaga. Hanggang sa napadaan ako sa mga ibang blogs, at naisipan kong magfollow kasi wala talaga ako finofollow nun. Gusto ko maging pribadong blog lang yung blog ko. Nagkaron na ng buhay ang dashboard ko, hanggang sa nakipaginteract din ako sa ibang mga bloggers. TA rito, TA roon, hanggang sa parami na ng parami yung mga finollow at nagfofollow sakin. At sa pagdami ng followers ko, nagkaroon ako ng mga kaibigan.
Ako? Naging kagaya rin ako nung iba na nagpapromote sa mga famous na bloggers. Nag-eenjoy ako sa pagpaparticipate sa mga promote na promote na ganyan kasi dumadami yung followers ko – aminado ako dun. Sa kabila non, nagpopost din naman ako ng mga karanasan ko sa pag-ibig, advices, mga bagay bagay tungkol sakin para makilala naman ako ng maayos ng mga tao. Nagpopost din ako ng mga kawalanghiyaan, kasiyahan at mga kalungkutan ko. Dun ko napagtanto na may nagbabasa pala ng blog ko, at di lang yun, pati ng nararamdaman ko. Dun ko nalaman na makakatulong pala ako sa ibang tao – naging hingian ng advice, naging sandalan ng ilan. Dun ko nalaman na hindi ako nag-iisa.
Sabi nila, parang wala raw naga-anon hate sakin kasi ang sobrang friendly ko raw sa lahat. Pero hindi. Ang unang naging anon hate sakin ay “bitch”, sumunod ay “poser”, hanggang sa nasabihan ako ng tanga kasi ganito ganyan, at marami pang iba. Kahit pa maging mabait ka sa lahat, may mga taong gagawa at gagawa ng paraan para mapasama ka. Pero hindi ‘yon gumana sakin, kaya andito pa rin ako.
Ilang beses ko na rin ginustong magdeact, kaso parang ang pagdedeact ko ay ang pagkalimot kung san kami nagsimula ng mga nakilala ko rito na sobrang malapit na sa puso ko. Yung hanggang ngayon na kahit inactive ako rito sa Tumblr ay andyan pa rin, magtutweet sakin na namimiss ako, magt-TA na sana bumalik na ako.
At sa unang taon ng blog na ‘to, gusto ko pasalamatan lahat ng mga naging kaibigan ko rito, yung mga taong pinagkatiwalaan ako sa mga problema nila, yung mga iniidolo ko na hindi lamang nagbigay inspirasyon sakin kung ‘di sa iba, at sa lahat ng taong nagbigay ng pahalaga sakin kahit ‘di niyo pa ako nakikita. Ayun, maraming salamat!
Happy 1 year, gkayeespinoza! :D
May field trip kami kanina papuntang Science Center. Bago pa lang kami magpunta doon, nawala na yung phone ko. Tinract ko yung phone ko, at yung phone ko ay nalocate ko sa mga working site.
Pag-uwi ng parents ko, sinabi ko sa kanila yung nangyari at syempre, nagalit sila. Pinuntahan namin yung place na yun, pero hindi rin namin nakuha yung phone kasi mukhang delikado yung lugar. Edi nagpunta kami kung san namin binili yung phone ko, at sabi ay papalitan yung phone ko in 3 days kasi may insurance ako.Na-relieve ako don. Pero nalungkot ako. Nalungkot ako kasi nadismaya ko ang parents ko. Sa matatagal nang nagfofollow sakin, nabasa niyo siguro kung bakit at paano ako nabilhan nung phone na yon. (Check it here) Sa totoo lang, nung nalaman kong nawala yung phone ko, hindi ako umiyak eh. Umiyak lang ako nung nagsorry ako sa parents ko. Nakakadismaya nga naman kasi ako, kasi hindi ako marunong mag-ingat sa mga bagay na binibigay ng mga magulang ko.
Nagsilbi ‘tong leksyon sakin sa pagiging burara at pagiging irresponsable ko.
Yie! Hahahahaha. Magagalit na ako sabay may “namiss ka namin”. Pero joke yung galit ha. HAHAHAHAHAHAHA. Oh sige, check blogs bago ako matulog.
Ako yun, guys. Joke.
Sa limang araw kong hindi pag-update ng blog ko, maraming nangyari. Hindi ko alam kung paano sisimulang ikwento, pero ito na. May dalawang lalake. Yung isa, itago na lang natin sa pangalang Les, at yung isa, sa pangalang Matt.
Si Les, matagal-tagal ko nang kaibigan, at si Matt naman ay kaklase ko sa English. Si Matt, pinoy siya.. Pero hindi marunong magtagalog. Isang araw, matapos namin magexam (Yung literacy test sa previous blog ko) ni Matt ay nagpunta kami ng mall. Nagbasketball, kumain, picture picture, at naglakad lakad. Nakita kami ni Les mula sa malayo. Nginitian ko pa nga siya, tapos nagtext bigla ng.. “Kaya pala. Hmp.” Hindi ko alam ang ibig sabihin niya, pero ayun na. The following days, nakakareceive ako ng “Bad morning” at “Bad night” texts galing kay Les. Nakunsume ako kasi bakit pa niya ako kailangan itext ng ganun. Hanggang sa may nagPM sakin sa Facebook.
Anon guy: ”Tanginang Matt yan, pagsabihan mo yang bf mong mayabang. May araw din yan samin. Mangaagaw ang puta.”
Nagulat naman ako. Pero nung una palang na mabasa ko yang PM nung guy na yon, kilala ko na kung sino. Nagalit ako kay Les, kasi bakit niya kailangan gumawa ng anonymous account para sabihin yan. Sinabi ko sa kanya, sinira niya tiwala ko. Hanggang sa inamin niya rin na siya yun, at ginawa niya yun kasi may gusto siya sakin.
Hindi ko pinansin si Les ng 3 days. Sa mga taong matagal nang nagfofollow sakin, alam niyo naman siguro na hindi ako yung taong mahilig magkimkim ng galit ng matagal na panahon. Kaya kinausap ko siya. Sinabi kong magsorry siya kay Matt, para mapatawad ko siya.
Kinabukasan, maaga kaming pumasok ni Matt. Ganun din si Les. Nasa cafeteria kami ni Matt nang dumating siya. Sinabi ko kay Les na magsorry na siya, pero ayaw niya. Hanggang si Matt na ang lumapit tsaka siya nagsorry.
- Les: “Sorry, man.”
- Matt: “So, I heard. You were talking shit about me, huh? But don’t worry. It didn’t affect me. It’s okay, as long as you won’t do it again then we’re good.”
Okay na sila. Okay na rin kami ni Les. Pero sa tuwing hindi ako nakakapagreply sa texts ni Les, irereason out niya si Matt. Kaya nainis ako. Hanggang sa, kahapon ng uwian, tumawag sakin si Matt. Nag-usap kami at sinabi niya, “Hey, before I went home, Les came to me and told me to take care of you.”
..
Yung totoong hairstyle ko, layered. Pero ngayon minessy curl ko siya. Yung tipong kinulot kulot kung san san. Hahahahahahaha. Basta yun po.
Magandang umaga, Pilipinas!
Ako’y tutungo na sa aking higaan at matutulog na. Meron kasi kaming malaking pagsusulit bukas, at lahat ng paaralan dito sa Ontario ay kukuha ng pagsusulit na ito. Literacy test siya, kung saan titignan nila ang aming kahusayan sa pagbasa, pagsulat at pag-intindi sa Ingles. Sana’y ipagdasal niyo na makapasa ako at makakuha ng magandang marka. Maraming salamat!







