Tao ako. Kagaya mo, napapagod at nasasaktan.

Hindi porque minamahal kita ay magpapakamartyr ako na kailangan ako na lang lagi ang magbibigay. Na kapag nagkakaproblema tayo ay ako na lang lagi ang susuyo, magpaparaya at magpapakumbaba. Hindi sa nagrereklamo ako, sinasabi ko lang kung anong nararamdaman ko. Ang hirap nung bigay ako ng bigay pero wala akong natatanggap pabalik. Sabi nila kapag nagmamahal ka hindi ka dapat nagrereklamo kung nag-eeffort ka para sa kanya. Ginusto mo yan e. Pero kasi.. Ang pagmamahal na kinakailangan mo ay kailangan ko rin. Ang pagmamahal na ibinibigay ko sa’yo ay nais kong maibalik din sakin. Okay lang naman kahit “mas mahal kita” eh, gusto ko lang talaga maramdaman na mahal mo rin ako. 

Tagged as: wala lang,   love,   thoughts,