Ang buhay labas.

Anong sabi naman ng title? Halos magdadalawang linggo na’kong inactive rito. Napapadaan at nagso-scroll lang sa dash, tas close tab na. Sobrang busy ko na kasi eh.

Ito lang naman pangyayari sa buhay ko ngayon:

  • Nagpupursiging mag-aral. 

Naisipan ko lang na pagbutihin ang pag-aaral ko kasi ang he-heavy ng mga courses na pinili ko ngayon e. So far, maganda naman ang kinalabasan ng pagpupursigi ko. 

  • Nag-iipon ng maraming friends.

Hindi ko alam kung anong right term, pero yun na yun. Ang dami ko nang kaibigan na ibang lahi. Noon kasi, steady lang ako sa mga Pinoy friends ko eh. Ngayon nagiging open na rin ako kahit kanino.

  • Sayaw, sayaw, sayaw!

Multicultural namin next month, may part traditional at modern. So ayun, ako ang nagtuturo ng sayaw samin. Ang saya lang kasi ang daming sumali.

Ang saya din lumayu-layo sa internet world paminsan. Ang dami kong nagagawa. Nasabi ko sa sarili ko kasi na naging sobrang productive ako. Sa sobrang busy ko hindi na ako nakakapag-update. So, sorry rin. Ayan lang naman ang pangyayari sa buhay ko ngayon.

Tagged as: personal,   :3,